Pumunta sa nilalaman

Joe "King" Oliver

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Joe "King" Oliver
Si Joseph Oliver noong 1915.
Si Joseph Oliver noong 1915.
Kabatiran
Pangalan noong ipinanganakJoseph Nathan Oliver [1]
Kilala rin bilangKing Oliver
Kapanganakan19 Disyembre 1881(1881-12-19)
PinagmulanAben, Louisiana, Estados Unidos
Kamatayan10 Abril 1938(1938-04-10) (edad 52)
GenreJazz
Dixieland
TrabahoPinuno ng banda
InstrumentoCornet

Si Joseph Nathan Oliver, na mas nakikilala bilang Joe "King" Oliver (19 Disyembre 1881 – 10 Abril 1938), ay isang manunugtog ng cornet at pinuno ng banda sa larangan ng musikang jazz. Partikular siyang kinikilala dahil sa kaniyang estilo ng pagtugtog at sa pagsisimula niya ng paggamit ng mga mute sa jazz. Bilang isa ring kapansin-pansing kompositor, nagsulat siya ng maraming mga tugtugin na tinutugtog pa rin magpahanggang sa kasalukuyan, kabilang na ang "Dippermouth Blues", "Sweet Like This", "Canal Street Blues" at "Doctor Jazz". Siya ang tagapagturo at tagapagpayo ni Louis Armstrong. Inilirawan ni Armstrong ang impluwensiya ni Oliver bilang "kung hindi dahil kay Joe Oliver, ang Jazz ay hindi magiging katulad ng kung ano ito sa ngayon."[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. http://www.doctorjazz.co.uk/draftcards2.htm
  2. "Satchmo - My Life in New Orleans"


TalambuhayMusika Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.